ni Alex Brosas
TRUE kaya ang nasagap naming chikang hindi na pala tuloy ang tomboyserye ni Marian Something?
Mayroong nakapagsabi sa aming kaya na-postpone ang presscon ng teleserye ay dahil shelved na ang latest soap opera ni Marianita.
Ang dahilan daw ng pagkaka-shelve ng teleserye ay ang maselang pagbubuntis ni Marianita. Hindi raw carry nito ang mag-taping dahil two months siyang on the family way.
True rin ba ang naitsika sa aming badtrip na badtrip ang director ni Marianita na si Dominic Zapata dahil sa pagkaka-shelve ng project? Inis na inis daw ito kay Marian Something.
Naku, parang minalas na kaagad ang Siete. Imagine, Primetime Queen nila hindi makapag-taping. Paano na ang nagastos nila sa mga naunang taping ng teleserye ni Marian, pati na rin sa pictorial. Siyempre lugi na kaagad sila roon, ‘di ba?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
