Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iba-ibang trip ni Mader Ricky ngayong Sabado

020615 grr

SAMAHAN natin ngayong Sabado si Mader Ricky Reyes sa kanyang pagdalaw sa iba-ibang kainan sa Pampanga para tikman ang masasarap na pagkaing angkop sa panahon ng tag-init.

Alam ng lahat na basta lutong-Kapampanga’y da best. At ang mga “Food sa Norte” tulad ng minatamis, meryenda, at pamatid-uhaw ay dinarayo’t pinag-uusapan.

Sisilip din si Mader sa mga spa clinic sa Metro at Mega Manila na ‘di lang pampaganda at pampaseksi ang matitikman. Maaari ritong mag-private party at makatikim ng pampakinis ng balat na angkop tawaging “Best sa Kinis.”

Makakatsikahan din ng beauty guru si Dr. Alvin Matulac na nakaimbento ng mabisa at propesyonal na skin products na kaya ng bulsa ng mga Pinoy. Natutulungan din niya ang mga walang trabaho sa pamamagitan ng pagkuha sa mga ito para mag-ahente ng kanyang produkto dahil paniwala nito’y “May Yaman sa Kagandahan.”

Lahat ng biyahe ni Mader ay mapapanood sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. na prodyus ng ScriptoVision.

Basta usapang tungkol sa kagandahan, kalusugan, at kabuhayan, laging tandaang –Mader knows best.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …