Monday , December 23 2024

Kaso ng Pinay na bibitayin idinulog sa int’l org

041815 indonesia prison

DUMULOG ang militanteng grupong Gabriela sa isang international organization para mailigtas ang Filipina na nasa death row sa Indonesia.

Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, nagpadala na sila ng liham sa Women in Parliaments Global Forum (WIP).

Hiling nila sa mga kababaihang mambabatas na makiisa sa pakiusap kay Indonesian President Joko Widodo para bigyan ng clemency ang Filipina convict na si Mary Jane Veloso.

Taon 2011, naaresto si Veloso makaraan mahulihan ng mahigit dalawang kilong heroin sa Yogyakarta Airport. Depensa ni Veloso, hindi niya alam na may droga sa maleta, na ipinakiusap lang sa kanya ng isang kaibigan.

Una nang tinanggihan ni Widodo ang pakiusap ng gobyerno ng Filipinas na ibaba sa habambuhay na pagkakakulong ang parusa kay Veloso. Sunod na umapela ang pamahalaan sa Indonesian Supreme Court ngunit ibinasura rin ito.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *