Monday , December 23 2024

Filing ng ITR pasimplehan — Angara

041815 BIR

NANAWAGAN si Sen. Sonny Angara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na padaliin ang proseso ng paghahain ng income tax returns (ITR).

Giit ng chairman ng Senate Commitee on Ways and Means, marami pa rin ang nahihirapan sa pagbabayad ng buwis gamit ang Electronic Filing and Payment System (eFPS).

Bukod aniya sa technical glitches sa BIR website, hindi rin pamilyar sa sistema ang mga kawani nito na dapat sana ay aalalay sa mga taxpayer.

Binanggit din ni Angara ang ulat ng World Bank na “Paying Taxes 2015” na nagsasabing 123 oras o 8 araw ang inuukol ng karaniwang Filipino sa pagbabayad ng buwis.

Kaugnay nito, ipinaalala ng senador ang atas ng Anti-Red Tape Law na bawasan ng mga ahensiya ng gobyerno ang oras at requirements sa pagproseso ng mga dokumento.

Handa aniyang tumupad sa buwis ang publiko kaya hindi na dapat padaanin pa sa mahaba at komplikadong sistema.

Nakipag-ugnayan na si Angara sa BIR upang mai-upgrade ang electronic system lalo na para sa maliliit na magbubuwis.

Kompiyansa rin ang mambabatas na mas maraming mahihikayat na magbayad ng buwis kung simple ang sistema, na magpapataas sa tax revenue.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *