Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasayaw, therapy ni Jasmine matapos mahiwalay kay Sam

ni James Ty III

040815 Jasmine Curtis Sam Concepcion

INAMIN ni Jasmine Curtis-Smith na magandang exercise sa kanya ang pagsasayaw tuwing Linggo sa dance show ng TV5 na Move It: Clash of the Streetdancers.

Kaya hindi naitago ni Jasmine ang kanyang pagkalungkot dahil malapit nang matapos ang unang season ng Move It na ang grand finals ay ipalalabas sa Abril 26.

“I really enjoy dancing in ‘Move It’ kasi when I was a kid, I wanted to dance and I wanted to learn ballet when I was in Australia,” sabi ni Jasmine sa launch ng kanyang bagong sexy magazine cover sa Makati. ”Tuwing rehearsals, sometimes I take long before I master the steps kasi ‘yung mga kasama ko sa Philippine All-Stars, talagang mas sanay sila sa akin. Sana, ma-renew ng TV5 ang ‘Move It’ for a second season kasi streetdancing is now becoming very popular.”

Pagkatapos ng hiwalayan nila ni Sam Concepcion, subsob si Jasmine sa tapings ng Move It kaya bigay-todo siya sa pagsasayaw ay tila nalimutan na niya ang relasyon sa batang aktor.

At sa cover ng bagong magasing panlalaki, hindi pahuhuli si Jasmine sa kaseksihan kahit hindi siya nagsuot ng bikini.

“We are made of the same passion and the same love for our craft. I put my head down and got the job done,” dagdag ni Jasmine.

Nagpasalamat si Jasmine sa suporta ng kanyang ate na si Anne na naging gabay niya sa gitna ng pakikipaghiwalay kay Sam. Katunayan, kahit sexy din ang pictorial ni Anne sa isa pang magasin ay walang rivalry ang magkapatid.

“My New Year’s resolution last year was to have some abs. Now, I’m beginning to control my diet and achieve the figure that I want. I also have two other magazine covers but I don’t want to project myself as sexy,” pagtatapos ni Jasmine.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …