Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

IG account ni Daniel, na-hack na naman; communication sa fans posibleng matigil

ni Alex Brosas

041515 daniel padilla

MUKHANG nawalan na ng gana si Daniel Padilla na mag-maintain ng Instagram account after ma-hack recently ang kanyang account.

Actually, pangalawang beses nang na-hack ang social media account ni Daniel. This time, pauwi na sila ni Kathryn Bernardo ng Pilipinas matapos magtanghal sa US nang ma-hack ang Instagram account ng actor. Ang kapartner pa niyang si Kathryn ang nag-announce sa kanyang Instagram account na na-hack ang account ni Daniel.

Sabi ng pamangkin ni Robin Padilla, inaayos na ang kanyang account. Pero kapag hindi naayos ay parang nawalan na siya ng gana na magbukas pa ng bagong Instagram account.

Marami siguro ang magwawala kapag nawalan na ng tuluyan si Daniel ng IG account. Ang dami niyang fans na tiyak maiimbiyerna sa kanya. Kasi naman, iyon lang ang communication niya para maiparating ng fans ang pagmamahal nila sa actor. Isa pa, talagang kailangan ni Daniel ng IG account para kung mayroon siyang bagong announcements ay maitatawid niya iyon sa kanyang mga supporter.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …