Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pahalagahan ang mga biyayang natatanggap — Coco to Julia

031215 julia coco

00 fact sheet reggeePINAPAALALAHANAN ng Primetime King na si Coco Martin ang kanyang love team partner sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure na si Julia Montes na dapat nitong pahalagahan ang lahat ng biyaya na natatanggap sa kanyang career.

“Palagi kong sinasabi sa kanya na minsan lang dumarating sa buhay ng tao ang mga magagandang opportunity kaya dapat hindi namin sinasayang. May tamang panahon naman para sa pag-ibig, at sa pagbabarkada. Ngayon kasi ‘yung panahon na kami ang mga breadwinner ng mga pamilya namin kaya dapat gamitin namin itong chance sa showbiz para makatulong sa mga mahal namin sa buhay,” say ni Coco.

Samantala, tulad ng kanilang tungkulin sa pamilya sa totoong buhay, magsasanib-puwersa naman ang mga karakter nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ngayong araw, Linggo upang mailigtas ang kapatid ni Yami (Coco) na si Newton (Alonzo Muhlach) mula sa mga engkanto. Ano ang gagawin nina Yami at Tanya para mabawi si Newton mula sa mundo ng mga diwata?

Kasama rin nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishitas’ Treasures ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Ryan Bang, at Marlan Flores mula sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado at direksiyon ni Avel Sunpongco.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …