Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Boy, iginiit na ayaw mapag-iwanan ang The Buzz kaya tinanggal na sa ere

041215 boy abunda

00 fact sheet reggeeNILINAW ni Boy Abunda ang tsikang kaya nag-babu na sa ere ang The Buzz ay dahil bumaba ang ratings at kailangang paghandaan ang bagong programa ni Willie Revillame sa GMA-7, bukod pa sa paghahanda na papasukin nito ang politika.

Paliwanag ni Kuya Boy kamakailan, “he (Willie) was never thought about and ayoko namang sabihin na nagagamit siya or nagagamit kami. Wala talaga. He (Willie) has nothing to do with it. It is an internal decision.

“Bakit tinanggal? Kasi, sa totoong pananalita, ayaw naming mapag-iwanan. We have to come back strong; we have to come back with a new face, a new spirit, and a new color.

“Pero sabi ko nga, tanggapin natin. Kung kailangan si Kris (Aquino), go. Kung hindi ako kailangan, I’m okay, I’ll find another show. Pero huwag na ipilit. Baka hindi na kami bagay. Kasi at a certain point, parati ko ngang sinasabi, we all have to go. Fortunately and unfortunately, ako, pinaghandaan ko ito.”

Tungkol naman sa pagpasok niya sa politika ay wala raw katotohanan dahil kasalukuyang nanunungkulan bilang Mayor ng Borongan, Samar ang kapatid niyang si Ms. Fe Abunda.

At ang tungkol naman sa ratings game ay hindi totoong bumaba o mababa ito.

“’Yung last show namin, ang load ng commercial is halos 30 minutes, we were like 28 or 29, close to 30 minutes of commercial,” pahayag ni Kuya Boy.

Sa kasalukuyan ay wala pang alam kung kailan ang ere ng bagong programa kaya’t habang wala pa ay gusto raw muna ni kuya Boy mangibang bansa.

“Actually, minsan walang plano, naisipan lang namin ni Bong (Quintana-parter niya) na ‘tara punta tayo ng Hongkong, Macau o Singapore’ pero wala kaming dalang gamit. Doon na lang kami bibili tapos babalik din kinabukasan, wala lang para lang maiba ang atmosphere,” masayang sabi ng King of Talk.

Samantala, naikuwento rin ni kuya Boy na kaya sobrang saya rin niya noong Linggo bago siya pumunta ng The Buzz ay dahil nagpakitang gilas daw ang mama niya na biglang tumayo at naglakad mag-isa sa loob ng maraming taon.

“Nakakalakad si nanay, pero may alalay, may kasama at hindi nakatayo ng diretso as in naka-ganito (muwestrang kuba), pero last Sunday (Abril 5), biglang tumayo as in straight at naglakad ng walang hawak, parang sinabi niya na, ‘magaling na ako, okay ako,’ kaya napaluha ako, sobrang sarap ng pakiramdam. Wala na akong mahihiling pa,” say nito.

Naitanong uli namin na dahil guaranteed contract si Kuya Boy kasama sina Kris Aquino at Toni Gonzaga ay kailangan may kapalit ang nawalang show.

Napangiting sagot ng King of Talk, “actually, guaranteed contract kami, yes, dapat may kapalit kasi malulugi ang management, ha, ha, ha.”

At dapat ba hindi bababa sa tatlong programa ang umeere, “well, I have ‘Bottomline’, I have ‘Aquino and Abunda Tonight’, I have ‘Inside Cinema’, pero cable naman ‘yun kaya hindi counted, siguro, so dapat isa pa.”

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …