Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle, ayaw mapag-iwanan kaya pinagbuti ang pag-arte

041015 Isabelle Daza

00 fact sheet reggeeHANDANG-HANDA na ang Kapamilya star na si Isabelle Daza na sumabak sa kanyang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN na Nathaniel kasama sina Gerald Anderon, Shaina Magdayao, at ang pinakabagong child actor na si Marco Masa.

“Sobrang excited ako na mapabilang sa teleseryeng ito dahil mahuhusay at talented lahat ng actors na makakasama ko. Ayokong mapag-iwanan, kaya mas nakaka-challenge para sa akin na gawin ng maayos ‘yung role ko at patunayan ‘yung sarili ko bilang isang aktres,” pahayag ni Isabelle na gaganap bilang abogadang si Martha.

“Dapat abangan ng TV viewers ang maganda at inspiring na kuwento ng ‘Nathaniel’ dahil tiyak na maraming mapupulot na aral ang mga kabataan at ang buong pamilya sa istorya na ibabahagi namin,” saad pa ni Isabelle.

Ang pinakabagong drama series ng ABS-CBN ay iikot sa kuwento ni Nathaniel (Marco), isang anghel na bababa sa lupa para sa misyon na ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ipaalala ang kabutihan sa puso ng bawat isa.

Samantala, masusulyapan na ang mga unang episode ng Nathaniel ngayong Linggo (Abril 12) sa gaganaping special screening nito sa Trinoma Cinema 7, 5:00 p.m..

Ang Nathaniel ay mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng dekalibre at top-rating inspirational drama series tulad ng May Bukas Pa, 100 Days to Heaven, at Honesto.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …