WALA mang mainstream movie ngayon si Nora Aunor at pawang indie films ang ginagawa, aba, pagdating sa mga international awards ay kinabog naman ni Ate Guy ang mga kapwa bigating celebrities.
Yes! Sa recent Asean International Film Festival na ginanap sa Kuching, Sarawak, Malaysia ang superstar ang tumanggap ng major award. Sa kanya iginawad ang Lifetime Achievement award at siya ang kauna-unahang Pinay aktres na nabigyan ng ganito kalaking parangal.
Personal na tinanggap ito ni Nora kasama si John Rendez. At sabi, isang malaking factor kung bakit si Ate Guy, ang napiling bigyan ng nasa-bing award dahil sa naiambag niyang klasikong pelikula tulad ng Himala, Bona at marami pang iba na pawang tumatak sa publiko o mga manonood.
Well kung husay at galing sa pag-arte ay walang kuwestiyon na hawak pa rin hanggang ngayon ni Nora ang korona sa pagiging numerong unong mahusay na aktres. Samantala sa nasabing event ay nagkasama sa isang larawan sina Ate Guy at ang Hong Kong superstar na si Jackie Chan. At ‘yung picture ng superstar na makikita sa lobby during the awards night ay kahilera raw nina Jackie at Michelle Yeoh at iba pang Asian superstars. Kasabay pala ng pagtanggap ng international award ni Nora ay siya rin ang nanalong Best Actress sa Pasado Awards na naka-tie nito ang sarili para sa mga pelikulang Dementia at Thy Womb.
Multi-awarded actress gyud!
ANIM NA MALALAKING TELESERYE NG DREAMSCAPE ENTERTAINMENT RATSADA SA PRIMETIME BIDA
Hindi lang ang dalawang programa ng Dreamscape Entertainment na Inday Bote at Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na kasalukuyang palabas sa Kapamilya network ang parehong patok sa TV viewers. Ang Inday Bote ni Alex Gonzaga kasama sina Kean Cirpriano, Matteo Guidicelli at ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach ay napanonood Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol at tuwing Linggo naman sa ganap na 6:45 p.m. ang Yamisihita’s Treasures na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.
Ngayong Abril 20 (Lunes) pagkatapos ng TV Patrol ay tapos na ang paghihintay ng lahat dahil simula sa araw na ito ay makakapiling naman ninyo gabi-gabi si Marco Masa, bilang anghel na si Nathaniel.
Kung naibigan at minahal ninyo ang mga ka-rakter na ginampanan noon ni Zaijan Jaranilla sa “May Bukas Pa,” Xyriel Manabat sa “100 Days to Heaven” at Raikko Mateo sa “Honesto” sigu-radong kapag nasimulan ninyong panoorin si Nathaniel na bumaba sa lupa para magsilbing guardian angel ng lahat ay tiyak mamahalin rin ninyo siya kasama ng ibang lead stars ng serye na sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao.
Dinumog pala ng fans ang celebrity screening nito na ginanap kahapon sa Trinoma Cinema 7 na dinaluhan ng buong cast sa pangunguna siyempre ng bagong child actor na si Marco. Tatlo pang upcoming big teleserye ang dapat aba-ngan ng lahat mula sa Dreamscape at ‘yan ang “On The Wings Of Love” ng isa sa hottest love team ngayon sa Kapamilya network na sina James Reid at Nadine Lustre, “Someone To Watch Over Me” nina Judy Ann Santos at Ri-chard Yap, at ang “And I Love You So” nina Julia Barretto, Miles Ocampo at Inigo Pascual at lahat ng mga nabanggit ay mapanonood na ngayong 2015.
ni Peter Ledesma