Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV5 at HK Disneyland, nagsanib-puwersa para sa Wattpad presents, The Magic In You

041015 mark shaira wattpad

00 SHOWBIZ ms mNAPAKASUWERTE at tila malaki ang tiwala ng TV5 management sa tinaguriang kilig prince and princess na sina Mark Neumann at Shaira Mae para sa kanila ipagkatiwala ang isang malaking show, ang Wattpad presents, The Magic In You.

Masuwerte dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakipag-partner ang HongKong Disneyland sa isang Filipino network, ang TV5. Nais kasi ng HK Disneyland na makabuo ng quality at wholesome entertainment na pampamilya bilang parte ng kanilang 10thanniversary celebration.

Sa HK Disneyland nag-taping para sa Wattpad Presents kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng TV5 na maibahagi sa Pinoy viewers na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang local television ay nag-shoot ng kabuuang episode sa world renowed theme park.

Ang Wattpad Presents The Magic in You ay base sa online novel originally written byMarielicious. Ito ang pagbabalik-television din ng sought after loveteam ng Artista alumni na sina mark at Shaira na magbibigay buhay sa karakter nina Basti Rivera at Princess Anne Dimla.

Ang istorya ng The Magic in You ay iikot kay Princess (Shaira Mae) na tulad ng iba ring babae, na mahilig sa mga Disney character. Tulad nina Sleeping Beauty, Snow White, Cinderella, at Mulan, naniniwala rin siyang dumaratng ang magic ng pag-ibig sa lahat ng prinsesa. At para namang pinakinggan ng langit ang kanyang pangarap, natupad ang inaasam-asam ni Princess, ang makapunta sa Hong Kong Disneyland. Ito kasi ang paniwala niya na makatutupad sa pangarap na maging parte ng Disney family bilang songwriter.

Subalit gumuho ang pangarap na iyon nang malaman niyang naloko lang pala siya ng kanyang recruiter. Wala palang trabahong naghihintay sa kanya sa HK Disneyland. Nakadagdag pa ang pagkaka-post sa You Tube ng malungkot na pangyayari sa kanya nang makunan siya ng video ni Basti at taguriang “Parade Crybaby”. Doon nagsimula ang mga pangyayaring tila nag-work ang tinatawag na magic in love dahil sa magical place na HK Disneyland.

Kaya kung gusto ninyong maka-experience ng magic ng pag-ibig halina’t manood ngWattpad Presents The Magic in You na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula Abril 13, 9:00 p.m. sa TV5.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …