Tuesday , December 24 2024

Isabelle Daza mas nag-level up na ang acting sa “Nathaniel”

 ni Peter Ledesma

041015 Isabelle Daza

VERY thankful si Isabelle Daza sa head ng Dreamscape Entertainment na si Sir Deo Endrinal dahil siya ang nag-open ng door sa kanya para mapasok ang ABS-CBN at maisama sa teleseryeng “Nathaniel.”

Big deal talaga para sa aktres ang maging part ng Dreamscape dahil alam niya mahuhusay ang mga artista nila. Noong una raw, akala niya ay nakakatakot sa ABS-CBN at ang mga artistang babae ay laging may competition.

“But the truth is, people are so welcoming and willing to help. Like with Shaina (Magdayao, kasama niya sa Nathaniel), she always gives me advices, si Gerald (Anderson, leading man niya sa serye) parang tinuturuan niya ako, “ganito sa Dreamscape,” like that, “you have to do this, you have to do dat,” sey pa ni Isabelle sa solo pocket interview last Tuesday.

Dahil heavy drama ang Nathaniel, hindi itinanggi ni Isabelle na dumaan siya sa series of workshop at ito na rin daw ang way para magkakilala sila nang husto ni Gerald.

“First time ko na really to be challenged in acting. The first few days, I had to do a lot of workshops, and five hours na walang break, kailangan namin ni Gerald mag-get to know each other. Talagang iyakan everything,” chika niya sa ilang entertainment press at bloggers na invited sa kanyang presscon. Hindi lang workshop ang inatupag ng daughter ni Tita Gloria Diaz para sa preparation ng kanyang role bilang Martha Amante, na isang abogado at girlfriend ng cha-racter ni Gerald. Naglaan talaga ng oras ang aktres na mag-research at aralin ang papel niya sa Nathaniel na pinagbibidahan ng bagong tuklas na child actor na si Marco Masa na ang husay-husay gumanap na anghel.

“Sobrang excited ako na mapabilang sa teleseryeng ito dahil mahuhusay at talented lahat ng actors na makakasama ko. Ayokong mapag-iwa-nan, kaya mas nakaka-challenge para sa akin na gawin nang maayos ‘yung role ko at patunayan ‘yung sarili ko bilang isang aktres,” pahayag ni Isabelle, na mas nag-level-up ang acting sa na-sabing serye.

“Dapat abangan ng TV viewers ang maganda at inspiring na kwento ng ‘Nathaniel’ dahil tiyak na maraming mapupulot na aral ang mga kabataan at ang buong pamilya sa istorya na ibabahagi namin,” dagdag ng magandang aktres. Ang pinakabagong drama series ng ABS-CBN ay iikot sa kuwento ni Nathaniel (Marco), isang anghel na bababa sa lupa para sa misyon na ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos at ipaalala ang kabutihan sa puso ng bawat isa. Bahagi rin ng powerhouse cast ng “Nathaniel” sina Pokwang, Benjie Paras, Jayson Gainza, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Yesha Ca-mile, Fourth at Fifth Solomon, at Coney Reyes.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Francis Pasion. Samantala, masusulyapan na ang mga unang episode ng “Nathaniel” ngayong Linggo (Abril 12) sa gaganaping special celebrity screening sa Trinoma Cinema 7, alas-singko ng hapon. Ang “Nathaniel” ay mapapanood simula Abril 20 pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida sa Kapamilya network na hatid ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng de-kalibre at top-rating inspirational drama series tulad ng “May Bukas Pa,” “100 Days to Heaven,” at “Honesto.”

Another inspirational story gyud!

Best actor at best actress EB host sa EB Awards 2015 at “You’re My Foreignoy” Visayas malalaman na ngayong sabado sa Eat Bulaga

Tinutukan ng milyon-milyong televiewers ang “Misteryo” Eat Bulaga Lenten Special na ipinalabas noong Holy Monday hanggang Holy Wednesday. Nauna rito ay nakatanggap na ng mga papuri mula sa mga mag-aaral ang lahat ng mga nagsiganap na EB Dabarkads sa nasabing Lenten special. Kaya naman bukas (Sabado) ay kikilalanin ng Eat Bulaga sa pamamagitan ng inyong mga boto ang mga magwawagi para sa Best Actor, Best Actress at Best Story.

Pasok sa Best Actor category na puwede ninyong iboto sina A – Keempee de Leon, B – Ryan Agoncillo, C – Wally Bayola at D – Jose Manalo. For Best Actress pasok diyan ang mahuhusay na portrayal nina A – Pauleen Luna, B – Pia Guanio, C – Marian Rivera, D – Aiza Seguerra at E para naman kay Ryzza Mae Dizon.

Narito naman ang mga nominado for Best Story,

A – Biro ng Kapalaran, B – Lukso ng Dugo, C – Pangako ng Pag-ibig, D – Pinagpalang Ama, E – Aruga ng Puso at para naman sa letter F ay Sukli ng Pagmamahal.

Tandaan sa bawat boto niyo ay huwag kali-limutan ang letra ng artista at istorya na inyong napili. Para sa Best Story ay i-type ang EB_Story_Name, Address at sa Best Actor EB_Actor_Name, Address at sa Best Actres type EB_Actress_Name and Address. At tatlo ang puwedeng magwagi ng P50K each.

Bukod sa pagbibigay ng parangal ay gaganapin din ang Third Weekly Finals para “You’re My Foreignoy” Artistahin Talaga at abangan kung sino ang tatanghaling You’re My Foreignoy Visayas. Siyempre ‘di kompleto ang show kapag walang Pinoy Henyo at abangan ang mga cute na mga bulilit na maglalaro at maglalaban-laban sa pabilisan ng talas ng isipan sa “Batang Pinoy Henyo!”

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *