Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasal, dahilan daw ng hiwalayang Ara at Mayor Patrick

ni Pilar Mateo

040915 ara patrick

ARE they or are they not? Ilang araw ding pinag-usapan at pinagtalunan ang estado ng relasyon ng kamakailan ay nagpabinyag sa kanilang first-born na si Amanda Gabrielle na sina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Ilang araw din lang ang lumipas, may sumabog na balitang nakita umano sa isang restaurant ang mag-live-in partner na nag-usap at nang lumabas sila eh, mugtong-mugto na raw ang mga mata ni Ara.

Agad naming tinanong si Ara tungkol sa bagay na ito pero mabilis niyang pinabulaanan ang lahat sa pagsasabing hindi totoo na hiwalay sila.

Pero nang hanapin ko sa kanya si Patrick kung bakit wala ito sa mga picture noong mag-celebrate sila ni Mandy sa isang mall ng Easter at pagsama sa Easter egg-hunting with Oyo Sotto and Kristine Hermosa and Patricia Javier and their kids, sinabi niyang nasa HongKong si Mayor.

Kinabukasan, sa isang presscon, usap-usapan pa rin ang nasabing isyu. Panay ang text namin kay Ara para sagutin ang mga tanong at ang girl Friday nitong si Ate Aida (Quimbo) ang sumagot ng text ko dahil nagte-taping daw si Ara.

Nasa vicinity lang naman pala ng ABS-CBN ang taping niya ng Deal or No Deal. At magulo ang pagsasabi ni Aida about it. Ilang mga kasama naming press ang nakasilip sa nasabing studio at nang tinanong nga raw nila si Ara eh, umiwas ito at hindi maganda ang ngiti sa mga labi.

The next day, naghintay lang ako ng text message from Ara. Hindi ko na muna siya kinulit. Habang ang mga usapan eh doon na papunta sa pagkukompirma na may pinagdaraanan na nga ang dalawa at malamang na sa hiwalayan na ang tungo.

And this text message came:

“Para sa mga kaibigan at tagasuporta namin ni Pat, maraming salamat sa inyong concern. Ang aming pinagdaraanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple. Ito ay isang pagsubok na nararanasan ng mga taong nagmamahal at nasa isang relasyon. Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalagpasan namin ito. Hinihiling ko po ang inyong malalim na pang-unawa at dasal alang-alang sa aming anak. Salamat po.” (With matching message na ‘Tita, Eto po statement ko sa lahat. Pakitulungan ako.’)

Thus—one plus one equals eto na nga.

Nang dumalo kami sa binyag ni Mandy, wala kaming nakitang anumang pagdududa sa kasiyahan ng dalawa. Kung Tuesday naganap ang binyagan, Linggo ang sinasabing nakita ang dalawa sa isang restaurant.

Ang ipinagtaka ko lang noong binyag, wala ang mahahalagang tao sa buhay ni Ara—ang kanyang dakilang ina, ang kapatid na si Cristine Reyes at ang bunso nilang si Baching.

So, bigyan natin sila ng panahon para makapag-usap pa. At baka naman nga may maayos pa sa nasabig pangyayari.

Pati ang pagtungo ni Mayor Pat sa HongKong eh, nilalagyan ng ibang kulay sa mga espekulasyon kung sino ba ang kasama nito sa kanyang pag-alis.

May nagsasabi naman na hindi third party ang magiging dahilan sa kanilang hiwalayan kung sakali.

Kasal ba?

May mga nagsabi na rin kasi sa amin na when it comes to the subject of marriage tila may allergy dito si Mayor Pat. In fact, ayaw na ayaw nga nitong pinag-uusapan ang bagay na ‘yun noon pa man. Eh, base na ito sa personal kong experience.

Anyways, let’s wish them well. Lalo pa’t dumating na ang anghel sa buhay nila.

Touched nga ako nang mapanood ko ang video ng panganganak ni Ara na very hands-on pa si Patrick sa pagtulong sa paglabas ni baby Mandy sa mundo, na siya rin ang nagkuha ng video.

Now, if the heart is the place where love comes from, where will it go when it dies? Sana nga hindi pa naman tuluyang mamatay ito.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …