Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella, hindi pa big star para mag-inarte

ni John Fontanilla

040915 ella cruz

NAKAKALOKA ang kaartehan at pagpi-feeling big star ni Ella Cruz at ng ina nito sa katatapos na SMAC TV Prod. Earth Hour Show na ginanap sa Lapu Lapu Luneta Grounds.

Kami mismo ang nakasaksi sa paglobo ng ulo ng mag-inang ito na matagal na naming kilala noong nasa bakuran pa lang ng GMA 7 na sobrang bait ng mag-inang ito.

Mukhang ang bilis naman pumasok sa isipan ng mag-inang ito na sikat na sila at puwede ng lumebel sa kasikatan ng mabait at very sweet pa ring si Kathryn Bernardo na ang totoo ay kung hindi nagpa-sexy sa Bagito ay hindi makikilala ng kapiranggot.

Ang siste, pagdating pa lang ng nasabing venue ay nag-strike one na ito sa kaartehan na ayaw pumunta ng dressing room dahil may ibang artists na naroon, ang gusto pa yata ay magsolo at paalisin ang ibang nasa dressing room.

Pangalawa, nanatili sa isang sulok ng backstage dahil nakitang maraming artists na na naroon.

Pangatlo, nang kukunan ng litrato kasama ng ibang artists ay nagtanong ng,”Para saan yan?? at kinailangan pang pilitin ng producer para magpa-picture.

Sana’y magising sa katotohanan ang mag-inang ito na hindi pa big star si Ella para umasta ng animo’y sikat na sikat.

SMAC TV EARTH HOUR SHOW, LIBO-LIBO ANG NANOOD!

NAGING matagumpay at dinumog ng libo-libong tao ang Earth Hour show na ginanap last Sunday, March 28 sa Lapu Lapu Luneta Grounds na hatid ng SMAC TV Productions at sa pakikipag tulungan nina Ms. Elizabeth Espono (director ng National Parks and Development commitee),Ms. Shiel Javier (marketing specialist), at Ms. Flor and Ms. Gie at ng Mogu Mogu.

Malakas na tilian ang isinukli ng mga manonood sa bawat performances ngGawad Kabataan Ambassadors na sina Justin Lee at Teejay Marquez at Gawad Kabataan Correspondents na sina Angelica Feliciano, Chester Chua,Prince Teodoro, Greco Gonzalo, at iba pang SMAC artists na sina Sky Cornejo, Rain Calaunan, Sarah Gee, Megan Caguiat , Erwin John Cadelina,Carla Zara, Cariza Llena, at Grey Capulong.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …