Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen, humakot na naman ng award

ni Vir Gonzales

011415 Allen Dizon

IBANG klase si Allen Dizon. Humakot na naman siya ng international award mula sa pelikulang Magkakabaung.

Marami ang pumupuri sa acting ni Allen kaya hindi nakapagtatakang nag-uwi ng best actor award. Ang nakapagtataka lang, bakit sa abroad ay panay ang panalo ng award ni Allen, dito sa Pilipinas tila hindi siya napapansin.

Matagal ng panagarap ni Allen na makasama muli sa movie si Eddie dahil idol niya ito.

BAGUIO CITY, PABORITONG LUGAR NG MGA ARTISTA

MALAKAS talaga ang karisma ng Baguio City sa mga teleserye at pelikulang ginagawa sa kasalukuyan. Sumikat ang La Presa dahil sa Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano. Maganda kasi ang lugar at malaki ang naitulong sa kagandahan ng teleserye.

Ngayon naman ay si John Lloyd Cruz at grupo nito ang naroon para sa shooting ng bago niyang pelikula. Roon pa isinagawa ang pagpapakalbo ng actor na marami ang nanghinayang. Pero dahil kailangan sa istorya kaya pumayag ang aktor.

Naroon din sa Benguet ngayon sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Diana Zubiri, atAllen Dizon para sa movie Baluyong. Malaking bagay para sa mga producer ‘yung malayo para huwag mawili ang mga artistang palayas-layas sa shooting. Sa layo ng Baguio, imposibleng makabalik agad ang mga naglalakwatsang artista.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …