Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Winwyn Marquez, overrated sa Bb. Pilipinas?

ni James Ty III

031715 wynwyn marquez

ILANG netizens ang na-disappoint sa pagkatalo ng aktres ng GMA na si Winwyn Marquez sa coronation night ng Bb. Pilipinas kamakailan.

Nakapasok si Winwyn sa top 15 at nanalo pa siya bilang Miss Talent pero kahit runner-up ay hindi siya nakapuwesto. May isang netizen ang nagsabi sa akin na overrated daw ang anak ni Alma Moreno sa mga kandidata at kahit artista siya ay hindi ito umubra laban sa mga mas deserving na manalo tulad nina Bb. Pilipinas Universe Pia Wurtzbach at Bb. Pilipinas International Janicel Lubina.

Dalawang beses na nabigo si Pia sa pageant bago siya sinuwerte ngayon habang dating nanalo si Janicel sa isang bikini open pageant.

Isa pa, hindi talaga umaangat ang career ni Winwyn sa GMA dahil panay kontrabida at supporting roles ang ibinibigay sa kanya at kahit sa noontime show na Sunday All-Stars ay hindi siya masyadong pinapansin dulot ng mababang rating nito kontra sa ASAP.

Sa palagay namin ay dapat humingi ng payo si Winwyn sa kanyang tiyahing si Melanie Marquez na dating Miss International bago siya sumabak sa Bb. Pilipinas.

Pero sa tingin namin ay puwedeng sumali uli si Winwyn sa susunod na taon. Kailangan lang niya ng kaunting tiyaga at pasensiya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …