Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack Perez, patuloy sa pagbongga ang career!

033015 Mojack Richard Sung

00 Alam mo na NonieAYAW paawat ni Mojack Perez sa pagbongga ng kanyang showbiz career! May show siya sa Dubai sa April 24 and 25, 2105, 8 pm. Ito’y pinamagatang TKO o Tawanan Kantahan Okrayan.

Ang TKO ay hatid ng Chill Entertainment at makakasama niya rito sina Manny Paksiw at Coach Freddie Cockroach, mga impersonator ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng coach niyang si Freddie Roach.

Sa ngayon, abala rin si Mojack sa pagdadala ng mga celebrity sa probinsiya para sa basketball exhibiton game.

Sa April 19, sa imbitasyon ni Mayor Ace Manalang ay may laro sila sa Tarlac City at ilan sa celebrity players na kasali rito sina Jestoni Alarcon, Onyok Velasco, Joross Gamboa, Gene Padilla, Manny Paksiw, Joseph Bitangcol, Mojack, Marco Alcaraz, at isang surprise na dating PBA star.

“Nagpapasalamat ako kay Mayor Ace ng Tarlac City dahil kami’y kanyang naimbitahan para maglaro ng basketball. Pati kay Nanay Richard Sung na very supportive sa amin at inaalalayan kami sa lahat,” pahayag ni Mojack.

Dahil malapit na ang election, balik-ulit si Mojack sa paggawa ng jingles sa mga politician. Sinisimulan na rin niya ang planong magtayo ng sariling talent agency.

Napapakinggan din si Mojack sa sarili niyang radio program sa Brigada News FM 104.7 every Sunday, from 4 to 7 pm sa programang Magpa-MP, kasama niya rito si Manny Paksiw.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …