Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin at Toni Gonzaga perfect na love team sa rom-com movie na “You’re My Boss” (Sa ganda at kilig nangangamoy Blockbuster sa takilya)

031915 Toni Gonzaga Coco Martin

00 vongga chika peterMARAMI ang bilib sa bagong tambalang Coco Martin at Toni Gonzaga na magkasama ngayon sa romantic comedy movie na “You’re My Boss” from Star Cinema at idinirek ng in-demand young lady director na si Antoniette Jadaone. Sa sobrang ganda ng pelikula at kilig na ihahatid sa moviegoers ay tinawag pang official summer romantic movie ng Pilipinas. Kahit ang mag-BFF at host ng Aquino and Abunda Tonight na sina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino ay hanga sa newest tandem na ito at sabi ni Kris ay nakakuha raw si Toni ng perfect leading man sa katauhan ni Papa Coco. Malakas naman ang paniniwala ni Kuya Boy na sa ganda ng kuwento ng You’re My Boss at nag-uumapaw na chemistry ng dalawang pangunahing bida ay tatabo sa takilya ang nasabing pelikula. Well kung pagbabasehan natin ang lakas at magagandang feedbacks na nakukuha mula sa mga nakapanood na ng movie trailer nito, maaaliw at matatawa ka namang talaga sa mga hirit ni Toni bilang boss sa pelikula at Coco na gumaganap namang assistant at kung paano dumugin ng libo-libong fans ang dalawa sa kanilang ginawang Mall show sa SM Novaliches at Grand Fans’ Day sa Fairview Terraces recently lang aba’y 101 percent ay magiging monster hit nga ang nasabing film, na showing na sa April 4 (Black Saturday) sa maraming sinehan nationwide. Samantala nakasentro ang You’re My Boss sa nakaaaliw at nakababaliw na sitwasyon ng isang top-level executive na ginagampanan nga ni Toni at ng isang messenger (Coco). Mapipilitan magpalit ang dalawa ng posisyon sa kompanyang pinagtatrabahuan upang maisara nila ang isang napakalaking business deal. Maaaring magtagumpay ang kanilang plano ngunit kakayanin kaya ng mga puso nila ang pagpapanggap na kanilang gagawin?

Ang You’re My Boss ay isang masaya at light summer movie na tiyak na pupukaw sa damdamin ng milyon-milyong mga Pinoy. Isang malaking rebelasyon ang galing rito ni Coco sa comedy na kilala bilang mahusay at multi-awarded drama actor. Yes sa tulong at pag-alalay ni Toni sa kanyang mga puncline at pag-i-english sa pelikula ay nakuhang sumabay ni Coco sa leading lady Ultimate Multimedia Star. Yes siguradong may career na rin sa comedy ang nasabing Primetime King ng Kapamilya network na tulad ni Toni ay in-demand rin bilang product endorser. Soon ay nakatakda nang ipalabas ang You’re My Boss sa iba’t ibang bansa.

Surely hit movie gyud!

 

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …