Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulo ng binatilyo sabog sa Russian roulette

112514 deadCAUAYAN CITY, Isabela – Sabog ang ulo ng isang binatilyo na naglaro ng Russian roulette sa bayang ito kamakalawa.

Ang nag-iisang bala na pinaikot sa de bolang baril ay pumutok at tumama sa ulo ni Melvin Evangelista, 17, nag-aalaga ng itik at residente ng Minagbag, Quezon, Isabela.

Sa imbestigasyon ng Roxas Police Station, dakong 9 p.m. kamakalawa, nag-iinoman sa Matusalem, Roxas, Isabela si Evangelista kasama sina Angelito Evangelista, Reece Rivera at apat na iba pa nang magkatuwaan silang maglaro ng Russian roulette.

Tinanggal ni Melvin ang limang bala ng kanyang caliber .38 snubnose revolver na walang serial number at iniwan ang isa.

Sinabi ng binatilyo na siya ang unang maglalaro kaya pinaikot niya ang cyclinder ng baril, itinutok sa kanyang sentido at kinalabit ang gatilyo.

Agad namatay ang binatilyo makaraan pumutok ang baril at sumabog ang kanyang ulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …