Wednesday , December 25 2024

P2-M at $4,000 na ibinigay ni Amalia kay Liezl, ipinababalik

ni Ed de Leon

031715 Amalia Fuentes Liezl Sumilang albert Martinez

BUMANA na muli si Amalia Fuentes matapos na magparinig din sa kanya ang apong si Alyanna sa pamamagitan ng social media. Alam na naming mangyayari iyan, hindi palalampasin ni Amalia ang ganoong comment ng kanyang apo.

Ngayon inilabas ng aktres na lalo raw na-stress ang kanyang anak na si Liezl nang umalis si Alyanna sa kanilang tahanan para makipag-live in sa kanyang boyfriend. Isa raw iyon sa mga iniiyakan at nakapagpabigat ng loob ni Liezl hanggang sa yumao iyon. Inilabas pa ngayon ni Amalia na siya ang nagbigay ng $4,000 nang ipanganak ni Liezl si Alyanna.

Sinabi rin ni Amalia na sinabi ni Liezl bago namatay na ang ibinigay niyang P2-M para sa pagpapagamot noon ay hindi naman nagastos. Dahil sinasabi niyang winalang halaga sila, gusto niyang bawiin ang ibinigay niyang P2-M, at mailalabas daw niya ang katunayang ibinigay niya iyon, pati na ang return checks na nagpapatunay na nakuha iyon. Tutal yumao na ang tunay niyang tagapagmana.

Natural hindi mo naman mapipigilan ang kampo ng mga Martinez para sagutin ang lahat ng iyan, pero ano man ang sabihin nila, lalo lamang hahaba ang kanilang magiging problema. Kung makakayanan nga lamang nila ngayon, siguro ang pinakamagandang magagawa nila ay isauli ang hinahabol na P2-M ni Amalia at magpasalamat sa tulong na iyon. Mas maganda rin siguro kung maibabalik na lang ni Alyanna mismo ang sinasabi ng aktres na ginastos niyang $4,000 nang ipanganak iyon. Pero hindi biro-biro para sa pamilya ang magsauli ng ganoon kalaking halaga sa ngayon lalo na nga sa kanilang sitwasyon.

Pero iyan ay isang domestic problem na hindi na sana dapat lumabas sa publiko, pero sila na rin ang naglalabas ng sagutan sa social media, kaya mahirap nang iwasan ang pagbibigay ng opinion ng publiko sa kanilang mga sinasabi.

ARTISTS WELFARE, WALA SA ‘PINAS KAYA ‘DI MABIGYANG TULONG SI ROEL CORTEZ

NOONG panahong siya ang presidente ng KAPPT, ayaw gumasta ni Kuya Germs isang kusing man sa pondo niyon. Sariling pera niya ang ginagastos niya para sa pangangailangan ng KAPPT, at maging sa mga pansuweldo ng kanilang mga tauhan. Nagtitipid sila at ang mga meetings ay ginaganap lamang sa kanilang opisina, dahil ang gusto ni Kuya Germs, maipon ang kinikita noon ng samahan, lalo na sa kanilang tauhang Star Olympics pa noon,at ang gusto kasi niya ay magkaroon ng pondo para sa artists’ welfare. Pero ewan kung ano na ang nangyari sa pondong iyon.

Naalala lang namin iyan dahil sa inilabas ni Jessica Soho na kaawa-awang kalagayan ng singer na si Roel Cortez, iyong kumanta ng Baleleng at sakaNapakasakit Kuya Eddie, na iginupo na ng colon cancer at hindi na halos makakilos. Sa ganyang pagkakataon kailangan ang artists welfare.

Kung mayroong ganyan, hindi na rin sana aasa halimbawa si Nora Aunor, na ipaopera pa siya nina Kris Aquino at Boy Abunda dahil wala rin naman siyang pagkukunan ng pagpapagamot lalo na’t wala naman siyang nagagawang proyekto kundi puro lang indie, na napakaliit naman ng kita.

Maraming iba pang mga artista na nasa gipit na kalagayan, pero wala nga kasing artists welfare fund dito sa Pilipinas, at barya na lang naman ang nakukuha ngMowelfund mula sa film festival sa rami ng naghahati sa kinikita niyon. Pati social fund ng presidente, pumaparte pa sa kita ng festival.

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *