Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Estorika Maynila ni Ronnie, kasali sa HK Filmfest

032515 ronnie liang

00 fact sheet reggeeKA-CHAT namin kahapon si Ronnie Liang sa Facebook at binanggit niyang nasa Hongkong daw siya para sa 39th Hongkong Film Festival para sa unang pelikula niyang Estorika Maynila na idinirehe ni Elwood Perez mula sa TREX Productions.

Ibang saya raw ang nararamdaman niya kasi nga naman unang beses lang siyang naimbita sa isang film festival na kasama ang pelikula niya considering na first movie niya ito.

Isa pang kuwento ni Ronnie ay kasama siya sa musical play na Bituing Walang Ningning na hango sa pelikula nina Sharon Cuneta at Cherie Gil na ipalalabas Resorts World sa Hunyo.

Say ni Ronnie, ”First time ko po magtatanghal sa musical play iba at bagong mundo po ito sa akin ito raw po ay pinaghalong kanta at pag-arte ng live sa stage at kailangang mas malalaking galaw at mas malakas na boses sa pag-arte o pagsasalita dahil ganoon daw sa stage play para marinig at maintindihan ka ng mga tagapanood mo.

“Nagpapasalamat po ako sa manager ko kina Boss Vic, (del Rosario), Boss Vincent (del Rosario) at ma’am Veronique (del Rosario-Corpus) sa pagbibigay ng project sa akin sa suporta nila sa career ko at pagtitiwala nila sa aking kakayahan.”

Samantala, muli siyang kasama ni Sarah Geronimo sa show sa Abril 24 na gaganapin sa Mindoro na Perfect 10.

In fairness, maski hindi maingay ang career ni Ronnie ay bisi-bisihan naman pala siya.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …