Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fan ni Kathryn, nag-utos na buhusan ng oil sina Nadine at Liza

ni Alex Brosas

032515 Kathryn nadine liza

MAY pagkaluka-luka itong isang KathNiel fan. Parang naghahamon kasi ang gagah, gustong manggulo

at gustong ipahiya sinaNadine Lustre at Liza Soberano.

Nag-post kasi ito ng message asking Kathniel fans na gumawa ng pambabastos sa dalawa. Sinabihan niya ang fans nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na bastusin sina Nadine at Liza.

Ang say ng luka-luka, tapunan nila ng kahit na anong bagay sina Liza at Nadine kahit saan nila ito makita. O kaya ay buhusan nila ito ng oil o kaya ay softdrink kapag nakita nila ito sa isang popular Pinoy fastfood chain.

May sira sa ulo ang Kathniel fan na ‘yon, ‘di ba? Matindi rin siya, ‘no, parang walang pinag-aralan, walang modo.

Ang feeling tuloy namin ay nate-threaten siya dahil pasikat nang pasikat sina Nadine at Liza. Baka naman natatakot siyang maungusan na ng dalawa ang idol niyang si Kathryn.

Kung gusto pala niyang mambastos, eh, bakit hindi na lang siya ang gumawa niyon? Bakit kinukumbinse pa niya ang Kathniel fans na mambastos kina Nadine at Liza? Afraid ba siya? Siya ang nakaisip kaya dapat siya ang gumawa, ‘no!

Aware kaya sina Daniel at Kathryn sa “utos” na ito ng fan? For sure, hindi. At malamang ay pipigilan nila ito’t pagsasabihan kung nalaman nila dahil sa kanila nga naman magre-reflect ang ganoong katsipan.

Naku, ang fans talaga mga walang pinag-aralan. Maglaba ka na lang, ‘day, o kaya maglinis ng bahay. Ang hugasan sa kitchen ay naghihintay na sa iyo. Linisin mo na rin ang CR na sing baho mo, ‘day. Hindi mo pa day-off ay talak ka na ng talak. Magtrabaho ka muna, ineng!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …