ni Alex Brosas
BUMUWELTA si Mo Twister kay Rhian Ramos.
Ito naman kasing si Rhian, mention pa ng mention ng name ni Mo sa kanyang recent interview.
Sa kanyang latest panayam kasi ay feeling jubilant si Rhian nang i-claimed niyang nagwagi siya sa temporary protection order against Mo.
Siyempre, hindi rin nagpaawat si Mo. Siya pa ba ang patatalo, siyempre hindi, ‘no!
Kaloka ang reaction ni Mo, sagad sa buto ang katarayan.
“It’s a TPO, meaning I don’t have to care for you “to win”…if anything, perhaps ur womb should get a TPO from ur wallet. Make that 2 TPOs.”
Aray ko! Ayan tuloy ang napala mo, Rhian. Kasi naman ay hindi ka na manahimik. Baka kapag nagbulgar pa si Mo ng maraming bagay tungkol sa ‘yo ay matulala ka.
Kung kami si Rhian ay tatahimik na lang kami at hindi na namin pag-aaksayahan pa ng panahon ang bansuting radio host.
Kahit na ano kasi ang gawin niya ay wala siyang kapana-panalo laban kay Mo na parang ipinaglihi sa chismosang babae dahil panay ang kiyaw-kiyaw. Marami tuloy ang nagsasabing bading siya dahil kahit babae ay kanyang pinapatulan.
Isa pa, ‘wag na niyang pag-aksayahan ang walang kuwentang tao na katulad ni Mo. Sayang lang ang laway niya para sa kutong-lupang radio host, ‘no!