Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane, handang maghintay sa tamang pag-ibig

ni Pilar Mateo

032515 JANE OINEZA

WAITING in the wings! When it comes to love, iba pala ang paniwala ng Kapamilya Teenstar na si Jane Oineza.

Na gaano man katagal ang hintayin, ang takdang panahon ay aangkop pa rin sa maraming bagay sa ikot ng kanyang mundo.

At ganito ang katauhang gustong ipamalas ng kanyang ginagampanan sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita bilang si Corinne.

“Sa papel ko bilang si Corinne, naniniwala siya na ‘true love waits.’ Para sa kanya kasi, lahat ng bagay ay dapat nangyayari sa tamang paraan. Kung totoo talaga ‘yung pag-ibig ng dalawang tao para sa isa’t isa, hindi ‘yun magbabago kahit na lumipas pa ang mahabang panahon,” pahayag ni Jane sa trending drama series sa hapon na kanyang pinagbibidahan kasama sina Vina Morales, Denise Laurel, Loisa Andalio, Joshua Garcia, at Jerome Ponce.

Mas kapana-panabik na naman ang mga tagpo sa nasabing teleserye ngayong magsisimula nang manligaw si Joel (Joshua) kay Corinne, na unti-unti namang napapalapit kay Ryan (Jerome). Paano maaapektuhan ng panliligaw ni Joel ang relasyon ng magkapatid na sina Corinne at Bea (Loisa)? Anong pagbabago ang haharapin nina Cecilia (Vina), Corinne, Bea, at Toni (Denise) ngayong gagawin na ni Leandro (Christian Vasquez) ang lahat para mapawalang bisa ang kasal nila ng unang asawa?

Kaya bilang pasasalamat sa mga tagasubaybay ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, sa pagsama nila sa mga luha, ngiti, kilig at nginig ng NKNKK, isang espesyal na fans day ang handog nina Jane, Jerome, Joshua, Eslove Briones, at Emmanuelle Vera sa kanilang mga taga-suporta sa Marso 28 (Sabado), 5:00p.m., sa SM City Lucena.

Huwag palampasin ang mas umiinit na tagpo sa teleserye na sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig, araw-araw, tuwing 3:15 p.m. pagkatapos ng Flordeliza sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa kagradagang impormasyon kaugnay ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Teka, alam ba ni Jane na ang dami ng mga matang naka-abang na sa kanya na mas malalim pa sa pakikipag-kaibigan ang puntirya?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …