Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The World Famous Elvis Show, mapapanood na sa Manila!

032515 elvis

00 Alam mo na NonieISANG natatanging palabas ang hatid ng Rotary International District 3830 sa tulong ng Royale Chimes Concerts & Events, Inc. Pinamagatang The World Famous Elvis Show, ito’y magtatampok sa Elvis Presley tribute act na si Chris Connor at ang banda niyang The Steels.

Ito ay gaganapin sa April 24, 25, at 26, 8 PM sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Sa palabas na ito’y muling bibig-yan buhay ni Chris ang highlights sa memorable concerts ni Elvis na That’s the Way It Is at ang sold-out show niya noong 1972 sa Madison Square Garden, New York.

Si Chris ang kauna-una-hang binigyan ng ‘World’s Best Elvis Performer’ award na tinukoy sa pamamagitan ng isang worldwide official fan poll. Ibinigay ang naturang parangal last year kaugnay sa pagdiriwang ng Elvis Week sa Memphis na siyang hometown ng King of Rock and Roll.

Ilan sa mga kanta na ma-ririnig sa concert ay Proud Mary, Can’t Help Falling in Love, Hound Dog, Blue Suede Shoes at marami pang iba.

Walang duda na mag-e-enjoy ang audience sa show na ito dahil kamukhang-kamukha at ka-boses talaga ni Elvis Presley ang tribute act na si Chris Connor. Ito ang dahilan kung bakit sold-out ang shows ni Chris sa Europe-Ireland, Holland, the UK, Australia, at sa US sa Atlanta, New Orleans, New York at mismong sa hometown ni Elvis sa Memphis.

Pati na si Joe Esposito, ang bestfriend at kanang kamay ni Elvis sa halos 17 taon ay namangha at bumilib sa husay ni Chris nang mapanood niya itong mag-perform.

Ang tickets para sa The World Famous Elvis Show ay available sa Ticketworld, SM Tickets at Ticketnet outlets.

 

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …