Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay tumalon sa gusali sa UAE (Tangkang gahasain ng Pakistani)

jump off buildingTUMALON sa mataas na bahagi ng gusali sa United Arab Emirates (UAE) ang isang 21-anyos Filipina nang tangkang pagsamantalahan ng isang Pakistani driver.

Sa paglilitis sa Dubai Court of First Instance nitong Miyerkoles, Marso 18, sinabi ng piskalya na nagpasama ang 28-anyos Pakistani driver sa biktima sa opisina para kunin ang ilang dokumento.

Nang makapasok sa opisina, isinara ng suspek ang pintuan, naghubad ng damit, pinatay ang ilaw at pinagtangkaang halayin ang Filipina.

Ayon sa biktima, alam niyang wala nang ibang paraan kaya nilansi niya ang suspek. Sinabi niyang hindi siya makahinga at kailangan niya ng tubig para maihanda ang sarili sa lalaki.

Agad siyang nakapagpadala ng mensahe sa facebook account ng kaibigan upang siya ay tulungan.

Sinabi ng biktima, dakong 5:30 p.m. Nobyembre 9, nang mangyari ang insidente sa isang tanggapan sa Global Village sa Naif.

Kumuha ng upuan ang biktima at sinabi sa lalaking tatalon siya, ngunit tinawanan lamang siya dahil hindi naniwala na kanya itong gagawin.

Ngunit itinuloy ng Filipina ang pagtalon. Nawalan siya ng malay at nang magising ay marami nang tao sa kanyang paligid na agad siyang isinugod sa pagamutan.

Sumuko ang suspek sa himpilan ng pulisya at sinabing wala siyang ginawang masama sa Filipina kaya’t walang dahilan upang siya ay tumalon sa bintana. 

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …