Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi hangad ni Toni na bastusin ang mga kandidata

ni Ed de Leon

031915 Toni Gonzaga

HINDI rin namin gustong pansinin ang isa pang issue hanggang hindi namin nakikita mismo. Ang tinutukoy namin ay iyong sinasabi nilang “pinaglaruan” daw ni Toni Gonzaga ang mga Binibining Pilipinas candidate. Pero mahirap hindi pansinin eh, dahil sa marami ng reaksiyon mula sa mga kilalang personalidad. Kabilang na riyan ang beauty queen na si Nina Ricci Alagao, ang kilalang couturier na si Cary Santiago, at maging si Governor Joey Salceda.

Sa internet, naku maliligo kayo sa rami ng reaksiyon ng netizens. Hindi mo masasabing hindi mo nakita, naghambalang din ang mga video share na ginawa ni Toni sa Binibining Pilipinas.

Simple lang naman ang nakita namin, hindi naman siguro hangad ni Toni na bastusin ang candidates pero talagang comedy bar ang peg ng kanyang hosting. Hindi naman siya inawat ng director o ng production staff sa kanyang ginagawa, kasi siguro natatawa sila, natatawa rin ang live audience, kaya ang tingin nila cute iyon at ok lang. Pero wala nga iyon sa ayos.

Ang hangarin lang siguro ni Toni ay magpatawa para huwag mainip ang kanilang audience. Mali nga lang ang type ng pagpapatawa niya.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …