Friday , November 15 2024

Puerto Princesa muling ibabangkarote ni Hagedorn?

00 Abot Sipat ArielSA INILABAS na report mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2012, umabot sa P663 milyon ang cash deficit ng dating administrasyon ng Puerto Princesa sa ilalim ni ex-mayor Edward Hagedorn.  Nangangahulugan ito na kulang ng P633 milyon ang pondo kumpara sa obligasyong pinansiyal ng lungsod.

Ayon din sa nasabing report ng COA, may namanang utang ang kasalukuyang lokal na pamahalaan mula sa administrasyong Hagedorn na umabot sa P2.1 bilyon sa mga financing institutions tulad ng Home Development Mutual Fund (HDMF) P24,200,770.00;  Asian Development Bank (ADB) P154,215,010.00; at Land Bank of the Philippines (LBP) P1,994,869,025.00.

Malinaw na pang-aabuso sa pondo ang labis na paggastos sa badyet ni Hagedorn kaya halos bangkarote na ang sitwasyon sa pananalapi ng Puerto Princesa nang maupo si Mayor Lucilo Bayron. Dagdag pa rito ang utang na umabot sa P159 milyon mula sa taong 2010 hanggang Hunyo 2013 na may mga bayarin sa mga hotel at restoran na umabot sa P9.3 milyon, sa mga ospital na umabot sa P3.4 milyon, at marami pang iba pa.

Dahil sa nasabing problema, iginiit ni Bayron na dapat magpatupad nang tama at epektibong proseso sa paggastos ng pondo ng lungsod alinsunod sa mga alituntunin ng COA at batay sa umiiral na batas. Binigyang pansin ni Bayron ang problema sa off-book liabilities at sa wastong paggastos sa mga isinagawang proyekto ng lungsod. Naging susi rin ang wastong pagkolekta ng buwis upang mapatatag ang pananalapi ng lokal na pamahalaan, tunay na mabisang instrumento bilang mapagkukunan ng pondo para sa epektibong pagbibigay ng serbisyong pampubliko sa mga taga-Puerto Princesa.

Sa huling ulat ni Bayron, umabot sa P13.3 milyon ang business tax collection at P9.2 milyon naman ang real property tax collection ng lungsod mula nang maupo siya sa puwesto. Inihayag din ng alkalde na sa ilalim ng kanyang panunungkulan, nabawasan ang utang ng lungsod kaya P13 milyon na lang ang hindi pa nababayaran mula sa P159 milyong utang batay sa ulat ng City Treasurer’s Office (CTO) nitong Mayo 2014.

Sa wastong pamamahala sa pananalapi ng kasalukuyang administrasyon ni Bayron, nababayaran ang mga contractual at financial obligations nito nang wasto at sa takdang oras na nagresulta ng iba’t ibang infrastructure activities sa lungsod at hindi na nade-delay ang sahod ng lahat ng kawani ng lungsod.

Kaya kakatwang dahil lamang sa maniobra ni Hagedorn sa tulong ng tagasuporta niyang si Alroben Goh, namadyik ang lagda ng mga botante ng Puerto Princesa at biglang pumayag ang Comelec sa recall elections sa nasabing lungsod na kaagad kinatigan ng Korte Suprema.

Pero napakabobo na ba ng taga-Puerto Princesa para pumayag na muling ibangkarote ang kabang bayan ng kanilang lungsod? Matagal nang taktika ni Hagedorn ang paggamit sa recall elections tuwing nawawala siya sa poder. Noong 2001, natalo siya nang tumakbong gobernador ng Palawan kaya nagmaniobra siya para magkaroon ng recall election laban sa alkalde noon na si Victorino Socrates.

Sa halalang ginanap noong Setyembre 24, 2001, naiproklama siya ng Comelec sa 20,238 boto laban sa mga karibal na sina Socrates na may 17,220 boto at Vicente Sandoval Jr., na may 13,241 boto. Maraming kuro-kuro noon na inilampaso sana ni Socrates si Hagedorn kung hindi tumakbo si Sandoval. Natalo si Hagedorn sa huling halalan para sa Senado kaya muli siyang nagpakana para makabalik sa poder sa Puerto Princesa.

Ngayon masusubok kung muling mamamayani ang “malaking pondo” ni Hagedorn para muling mamuno sa itinuturing niyang kaharian na Puerto Princesa.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *