Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binoga sa loob ng bahay mag-asawa patay

081014 dead gun crime

KAPWA patay ang isang empleyado ng law firm at ang kanyang misis makaraan pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Dakong 2 a.m. kahapon nang nang makarinig ang mga residente ng sigaw ng isang babae mula sa inuupahang bahay ng mga biktima sa 503 Geronimo Street, Sampaloc na nasundan ng pitong putok ng baril.

Pagkaraan ay natagpuang nakabulagta si Ronaldo Batoto, 35, at misis niyang si Nina, kapwa may tama ng bala ng baril sa balikat at dibdib.

Habang hindi idinamay ang ng mga suspek ang 5-anyos anak ng mga biktima.

Walang nakitang indikasyon na pwersahang pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng mga biktima.

Salaysay ng mga saksi, makaraan ang insidente, isang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na jacket ang napansing mabilis na umalis sa lugar at sumakay sa isang puting kotse na tumakas patungo sa bahagi ng Lacson Avenue.

 

Inilipat na ng pulisya sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang naulilang bata.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …