TINATAYANG mahigit $2 bilyong halaga ng investment ang iuuwi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan ang pakikipagpulong sa mga negosyante sa Europa.
Ayon sa Pangulo, kabuuang 19 kompanya ang nakausap ng kanyang delegasyon at pinuri nila ang economic performance ng Filipinas.
“From our engagements in Europe alone, we are expecting around 2.3 billion dollars in investments in the sectors of manufacturing, energy, the IT-BPM sector, infrastructure, transport,” sabi ni Aquino.
Lilikha aniya ito nang mahigit 55,000 trabaho sa bansa.
Makaraan ang pagbisita sa Europa, dumiretso si Aquino sa Estados Unidos.
(ROSE NOVENARIO)