IGINIIT ng ilang anti-crime groups na magbitiw na si Philipine National Police Chief Dir. Gen. Alan Purisima dahil sa patuloy niyang pananahimik sa mga krimen na kinasasangkutan ng ilang mga pulis nitong mga nakaraang buwan.
Iginiit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang magsalita ni Purisima hinggil sa mga isyung kinahaharap ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno.
“Si General Purisima ay hindi na talaga katanggap-tanggap sa mga taong dapat pinagsisilbihan niya. Nagtatago siya sa saya ng Presidente. Hindi dapat ganoon,” ani VACC Founding Chairman Dante Jimenez.
Habang sumang-ayon ang Movement for the Restoration of Peace and Order (MRPO) sa VACC at nanawagan din ito na magbitiw na si Purisima.