Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-cager timbog sa drug raid

ARESTADO ang dating manlalaro ng Metropolitan Basketball Association (MBA) sa anti-drug operation sa Brgy. Ugong, Sta. Cruz, Laguna dakong 6 a.m. kahapon.

Pakay mismo ng operasyon si Reggie Gutierrez, dating manlalaro ng Laguna Lakers team, dahil nasa target list siya ng mga drug personality sa lalawigan.

Unang inakala ng mga tauhan ng Laguna PNP Intelligence Branch Special Action Team na negatibo ang pagsalakay sa bahay ng suspek dahil ang buntis niyang live-in partner lang ang nadatnan doon.

Ngunit makalipas ang isa’t kalahating oras, nakarinig ang mga awtoridad ng pag-andar ng sasakyan at naispatang tatakas na si Gutierrez kasama sina Darryl Calma at Dino Bueno na sangkot din sa pagbebenta ng droga sa lalawigan.

Nasukol sila nang mag-panic at mahulog sa gutter ang kotse at hindi na nakapalag pa.

Narekober mula sa sasakyan ang isang baril at ilang drug paraphernalia habang higit sa P60,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa bahay ng suspek.

Sinasabing muntik nang maging manlalaro sa PBA si Gutierrez kung hindi bumagsak sa drug test.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …