LEGAZPI CITY – Nakatakdang ilikas ang 12,000 pamilya makaraan itaas sa level 3 ang alerto sa Bulkang Mayon.
Ang mga pamilyang ay nakatira sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone (PDZ).
Sa rekord ng PDRRMC, umaabot sa 10,000 hanggang sa 12,000 pamilya ang nakatakdang isailalim sa forced evacuation.
Ang naturang bilang ay mula sa 52 barangays na mula sa 6 kilometers hanggang sa 8 kilometers extended buffer zone.
Sa kabilang dako, handa na rin ang contingency plan ng DepEd para sa mga maapektohan na mga klase.
Una rito, itinaas ng Phivolcs-DOST ang alert level 3 dahil sa naitalang 39 rockfall event.
Sa ngayon, pinangangambahan ang posibleng ashfall kung patuloy ang mararanasang abnormalidad ng Mayon.
Ayon sa Phivolcs, sa pagitan 5 p.m. at 8 p.m. kahapon ay nakapagtala sila ng 39 rockfall event.
Bukod dito, nagkaroon din ng 32 low frequency volcanic earthquakes na nagpapahiwatig ng volcanic gas activity.
Bunsod nito, pinag-ibayo pa ang monitoring ng Phivolcs at mga awtoridad sa nasabing bulkan. (BETH JULIAN/
JETHRO SINOCRUZ)