Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Astig na parak sinibak (Trike driver binugbog)

AGARANG pagsibak sa puwesto bilang kasapi ng Police Security and Protection Group (PSPG) si PO2 Leonardo Sebial na inireklamo ng dalawang tricycle driver sa Mandaluyong City.

Si  PO2 Sebial, ay sinampahan ng kasong physical injuries (2 counts) sa Mandaluyong City prosecutor’s office nina Alvin Dela Cruz dahil sa 11 suntok na kanyang inabot at Cesar Vitores na nasapok din habang umaawat.

Hindi pumalag ang mga kasamahan ng biktima nang ipangalandakan ng suspek na pulis ito at mayroong dalang clutch bag na hinihinalang may lamang baril.

Ang aksiyon ni PO2 Sebial ay kuhang-kuha sa nakalatag na CCTV camera, na walang naitago ang ginawang pananakit.

Pinag-aaralan kung sasampahan ng kasong harassment at carnapping ang suspek matapos harangin ang mga biktima habang patungo sa TV station  saka tinangay ang sinasakyang tricycle. Inilipat si PO2  Sebial sa Holding and Support Unit ng PNP sa Camp Crame habang dinidinig ang kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …