Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot na police asset sinalbeyds

ISANG bebot na sinasabing asset ng mga pulis ang binigti ng almabre at isinilid sa garbage box ang natagpuan sa Delpan Bridge, sa Maynila, kahapon.

Sa imbestigasyon ni  SPO2 Milbert Balingan, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), tinatayang nasa 20 hanggang 25-anyos, 5’2 ang taas, mahaba at blonde ang buhok, nakasuot ng pink polo shirt, brown short pants at walang sapin sa paa ang bangkay ng babae na natagpuan ng isang sekyu na si Rogelio Figedero, Jr., PPA Security Agency.

Binalot muna ng asul at dilaw na malong, nilagyan ng packaging tape ang mga paa, habang nakakabit pa ang alambre na pinansakal, saka isinilid sa itim na garbage bag bago inilagay sa kahon, ang bangkay ng biktima.

Malaki ang teorya ng pulisya na pinahirapan at pinatay ang biktima sa ibang lugar saka itinapon sa ibabaw ng Delpan bridge para iligaw ang imbestigasyon.

Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …