Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 dalagita sex slave ng 3 manyak

ARESTADO ang isang lalaki habang tinutugis ang dalawa pa makaraan gawing sex slave sa loob ng isang linggo ang tatlong dalagita sa Valenzuela City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Renel Jose Rodriguez alyas JR, 26, ng 149 Feliciano St., habang pinaghahanap ang dalawa pang mga suspek na sina Rolly Saine alyas Pilay, at Teody Rodolfo ng 117 A. Gabriel St., Brgy. Arkong-Bato ng nasabing lungsod, pawang nahaharap sa mga kasong paglabag R.A. 9208 (Anti-Trafficking Persons Act) at rape in Relation to R.A. 7610.

Batay sa ulat ni Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police, dakong 8:30 p.m. nang masagip ang tatlong dalagitang may gulang na 17 at 18-anyos, sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Arkong Bato.

Nauna rito, napaulat na isang linggong nawawala ang tatlong dalagita makaraan hindi umuwi sa kanilang banay sa Brgy. Coloong II ng nasabing lungsod.

Kamakalawa ng gabi ay nadaanan ng mga nagpapatrulyang pulis ang tatlong dalagita na parang wala sa sarili habang naglalakad sa kalsada dahilan upang dalhin sila sa pinakamalapit na Police Community Precinct (PCP) sa lugar.

Sa puntong iyon, ipinagtapat ng mga dalagita ang ginawang panghahalay at pagbugaw sa kanila ng mga suspek

Ayon sa mga biktima, dinala sila sa bahay ni Rodriguez at doon pinagparausan ng mga suspek. Pagkaraan ay dinala sila sa kalapit na covered court at pinilit makipag-sex kay Rodolfo sa halagang P3,000 ngunit P560,000 lamang ang ibinigay sa kanila.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakas ang mga biktima hanggang sa matagpuan ng mga pulis.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …