IPINASISIBAK ng Office of the Ombudsman si Professional Regulation Commission (PRC) Chairperson Teresita Manzala dahil sa sinasabing maanomalyang bidding para sa gusaling sana’y lilipatan ng tanggapan.
Ito’y makaraan makakita ang Ombudsman ng ebidensiyang nakipagsabwatan si Manzala sa New San Jose Builders Incorporated na pag-aari ng sinasabing bayaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., para sa paglilipat ng tanggapan ng PRC sa Victoria Towers sa Quezon City.
Natuklasan ng Ombudsman na inihahanda na ang paglilipat ng tanggapan ng PRC sa Victoria Towers kahit hindi pa natatapos ang bidding.
Dahil dito, pinasasampahan ng Ombudsman ng kasong graft ang PRC chair.
Pinakakasuhan din ng Ombudsman si dating PRC Commissioner Alfredo Po at dalawang opisyal ng New San Jose Builders.