BAHAGYANG nagkaroon uli ng tensiyon sa budget hearing ng Kamara nang maungkat ang sinasabing mini pork barrel sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay nang akusahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang tanggapan ni AFP Chief of Staff Pio Catapang ng pagkakaroon ng mini pork barrel sa ilalim ng budget para sa susunod na taon.
Dahil sa isiningit na probis-yon ng DBM sa ilalim ng 2015 budget ng AFP na binibigyan ng kapangyarihan, ang AFP chief of staff na mag-reprioritize o mag-realign ng pondong sakop ng personnel services fund.
Nang tanungin si DND Secretary Voltaire Gazmin, sinabi ng kalihim na wala silang alam sa probisyon dahil ang DBM ang naglagay nito sa AFP budget.
Sa paliwanag ni Finance Asec. Tina Canda, ang probis-yong kinukwestiyon ni Zarate ay nasa ilalim ng budget noon pang nakaraang deliberasyon at hindi lamang sa AFP kundi sa iba pang ahensiya ng gobyerno.
Ngunit giit ng mambabatas, ipipilit nilang alisin ang probis-yong ito sa AFP budget dahil may posibilidad na maabuso ito.