Wednesday , November 27 2024

QCPD official utas sa tandem (Checkpoint nalusutan)

090214 QCPD crime dead
SINISIYASAT ng mga operatiba ng QCPD-SOCO ang sasakyan ni Chief Insp. Roderick Medrano makaraan tambangan ng apat hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Kaligayahan, Zabarte Road, Novaliches, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

SA kabila ng kaliwa’t kanang paninita ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga motoristang nakasakay ng motorsiklo bilang tugon sa kampanya laban sa riding in tandem, muling nalusutan ang mga awtoriadd at naisakatuparan ang pagpatay sa isang opisyal ng pulisya kahapon ng umaga sa lungsod.

Napatay ng tatlong hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo si Chief Insp. Roderick Medrano, nakatalaga sa Novaliches Police Station 4, nakatira sa Zabarte Road, Novaliches, Quezon City.

Isinugod si Medrano sa Bernadino Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay dahil sa tama ng bala ng Uzi at kalibre .45 sa katawan.

Sa ulat kay Chief Supt. Richard A. Albano, QCPD District Director, dakong 8 a.m. nang tambangan ang biktima ng mga suspek sa Zabarte Road, Hubart Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches.

Sakay ng Honda Civic  si Medrano kasama ang dalawang anak at asawa nang pagbabarilin ng dalawa sa tatlo ang ang pulis.

Tanging ang pulis lamang ang pinagbabaril ng mga salarin habang ang mag-iina ay hindi pinatamaan.

(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Makati Taguig

Residente ng EMBOs  desmayado kay Abby

“MASAMA po ang loob namin. Sabi niya noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang …

Cavite TOL Patriots WMPBL Francis Tol Tolentino

Bilang suporta sa kababaihang atleta  
Cavite TOL Patriots, sasabak sa WMPBL

BILANG suporta sa mga kababaihang atleta, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang …

Neri Colmenares Duterte ICC

Sa madugong gera kontra droga  
KASONG KRIMINAL vs DUTERTE PATULOY NA ISUSULONG SA ICC — NUPL

INIHAYAG ni dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na ipagpapatuloy nila ang paghahain ng …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

FPJ Panday Bayanihan nominee Brian Poe nanawagan sa mas berdeng Filipinas

NANAWAGAN si Brian Poe Llamanzares, nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na magtulungan para sa …

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *