Saturday , November 23 2024

NBI nagbabala vs ATM skimming

083014 thief card

NAGBABALA ang National Bureau of Investigation -Information Division (NBI-ID) kaugnay ng bagong modus ng mga sindikato sa pagkopya ng Automated Teller Machine (ATM) cards at Personal Identification Number (PIN) kahapon.

Ayon sa NBI-ID, kung dati’y naglalagay lamang sila ng mga pandikit sa labasan ng pera, hi-tech na ang mga kawatan ngayon sa pagpapauso ng tinatawag na ‘ATM Skimming.’

Sa bagong modus, naglalagay ng ATM Skimmer na sinlaki ng isang baraha o isang device na ilalagay sa ATM reading slot ng mga banko upang makopya ang mga impormasyon sa magnetic strip kapag ipinasok ng mga kustomer ang kanilang ATM cards sa reading slot.

Bukod dito, nagsasalansan din sila ng maliit na camera sa itaas ng keyboard para makopya ang PIN ng kustomer.

Sa ganitong modus, malaya nang makagagawa ng pekeng kopya ng ATM card ang mga kawatan, gamit ang nakuhang PIN ay malilimas na ang pera sa account na kanilang ginaya.

Kaya’t babala ng NBI, gumamit ng mga ATM machines na may seguridad at hindi basta-basta napapasok ng kahit sino tulad sa mall o sa labas ng mga banko.

Bago mag-withdraw, suriin ang ATM machine kung may kahina-hinalang device na nakakabit.

Dagdag nila, takpan rin ng kamay habang ipinipindot ang PIN kahit may takip na dahil maaaring sa takip nakalagay ang maliliit na camera.

“Kung nahihirapang ipasok ang card sa reading slot, ipagbigay-alam agad sa awtoridad dahil tiyak may nakasalpak na kagamitan na maaaring ATM skimmer,” paalala ng NBI.

Dagdag ng NBI, regular na tingnan ang balance sa ATM bago mag-withdraw.

(JOHN BRYAN ULANDAY)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *