Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Backhoe operator nirapido sa ambush

083014 gun manila ncr

TODAS sa 17 tama ng punglo ng kalibre. 45 baril ang isang backhoe operator nang tambangan ng tatlo sa apat na ‘di nakilalang suspek na sakay ng isang pick-up sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng punglo sa katawan ang biktimang si  Richard Padilla, 39, may-asawa, backhoe operator, ng Sitio San Isidro, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Sa ulat ni SPO3 Ronald Bautista, may hawak ng kaso, dakong 7:00 p.m. habang bumibili ng sigarilyo sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension, Brgy. Ugong, binaril ang biktima.

Pahayag ng mga kasamahan ng biktima na sina Julio Casino at Nestor Abello, katatapos lamang nilang kumain ng hapunan sa Mangantana Eatery sa nasabing lugar, nang mangyari ang pamamaril.

Tumakas ang mga suspek sakay ng puting pick-up na hindi nakuha ang plaka patungo sa Brgy. Kaybiga Caloocan City.

Inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan sa mga suspek habang isinasailalim imbestigasyon ang 17 basyo ng kalibre .45.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …