Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rachelle Ann, paboritong ligawan ng mga male singer

 
ni Reggee Bonoan

SOBRANG haba pala talaga ng buhok ni Rachelle Ann Go dahil nalaman namin na pati pala siJed Madela ay nanligaw sa kanya noong maghiwalay sila ni Christian Bautista.

Yes Ateng Maricris, ‘di ba kailan lang ay inamin din ni Mark Bautista na nanligaw siya sa dalaga at nauna raw siya sa lahat dahil panahon pa ito ng Search for A Star.

At noong nakaraang taon naman ay umamin din si Erik Santos na nanligaw siya kay Rachelle pero noong nagsabi raw si Christian na liligawan niya ang dalaga ay nagparaya ang grand champion ngStar In A Million.

Mabuti na lang hindi kasabayan ni Rachelle Ann sina Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy ngPilipinas Got Talent dahil baka pati sila ay pumila rin sa dalagang singer.

Anyway, ayaw na mag-elaborate ni Jed kung anong nangyari sa panliligaw niya kay Rachelle, basta’t mas nag-click daw na maging magkaibigan na lang sila.

At ibinuking ng katotong Jobert Sucaldito na dibdiban palang manligaw ni Jed dahil panay daw ang padala ng bulaklak at tsokolate sa dalaga na nauwi lang sa wala.

Eh, sana pala hinanap ni Jed ang chocolatier na nagturo kay Paulo Avelino kung paano gumawa ng tsokolate kaya niya napaibig at nabilaukan si Bea Alonzo sa eksena sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Oo nga, eh, ‘di sana nabilaukan din si Rachelle sa sobrang sarap ng tsokolate ni Jed, di ba Ateng Maricris?

Seriously speaking, nag-move on na si Jed dahil as of now ay hindi na siya naghahanap ng babaeng liligawan niya, ”come what may na lang kasi as of now, I’m too busy din naman sa rami ng shows, so ito na lang muna ang concentration ko,” paliwanag niya sa ginanap na presscon para sa nalalapit na birthday concert niya sa Hulyo 4 sa Music Museum na may titulong Jed Madela All Requests.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …