Saturday , November 23 2024

Yolanda relief and int’l aids dapat nang linawin at iulat ng DSWD (Paging COA chief Grace Tan Pulido)

00 Bulabugin JSY

HINDI natin alam kung anong meron si Department of Social Work and Development (DSWD) Secretary Donky ‘este’ Dinky Soliman at bakit todo ang pagtatanggol ng Palasyo sa kanya.

Nang magpahayag ng testimonya ang isang madre sa katauhan ni Benedictine Sister Edita Eslopor para ibisto ang raket na “cash-for-testimony” agad ipinagtanggol ng mga ‘loro’ ng Palasyo si Madam Dinky.

Ni wala man lang nagsalita na “paiimbestigahan’ po ng Pangulo ‘yan.”

Agad ipinagtanggol ni Chief parrot Sonny Coloma, si Madam Dinky ‘parrot hair’ Soliman dahil hindi raw katungkulan ng mga tao sa pamahalaan ang lumabag sa batas kundi ang magpatupad ng batas

Ganoon talaga ang dapat, Sec. Sonny Coloma.

Pero, huwag mong kalimutan na mayroong president na na-impeached dahil sa ‘PLUNDER’ at convicted pa. At ‘yung sumunod na president ay nahaharap din ngayon sa kasong plunder din.

Ilang opisyal ba ng pamahalaan ang nakasalang ngayon at nasasangkot sa P10-billion pork barrel scam?

Hindi naman agad hinuhusgahan si Madam Dinky pero sa dami ng hinaing ng mga biktima ng Yolanda sa Kabisayaan, mukhang dapat talaga tayong mag-isip kung tunay bang nakararating sa kanila ang serbisyo at tulong ng pamahalaan para sa kanilang rehabilitation and recovery?

Sabi ni Secretary Coloma, “Tungkulin po namin ang magpatupad ng batas, protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan, kaya kung sino man ang nagpaparatang na ang ginagawa ng pamahalaan ay taliwas doon, tungkulin din nilang magpakita ng kongkretong pruweba at hindi makatwirang dungisan ang karangalan ng sino mang opisyal nang walang batayan.”

Well said, Mr. Secretary, pero paano n’yo nga ipaliliwanag ang akusasyon ni Sister Eslopor at ng People Surge Alliance of Yolanda Victims?!

Kung ‘bogus’ ‘yan ‘e di sabihin ninyo sa tao!

Sabi ng isa pang Presidential ‘parrot’ este spokesman Edwin Lacierda, baka ‘impostor’ daw ‘yung nagpapirmang DSWD Secretary.

‘E sino ba talaga ang bogus?

‘Yung DSWD Secretary na nagpapirma? ‘Yung madreng nagreklamo? O ‘yung rehabilitation, recovery and reconstruction program ng national government ang bogus?

Paki-EXPLAIN lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *