Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bb. Pilipinas 2014 Candidate Ladylyn, umani ng paghanga

UMANI ng paghanga si Bb. Pilipinas Candidate no. 39 na si Ladylyn Riva ng Aklan sa idinaos na Fashion Show ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant 2014.

Suot ni Ladylyn ang gown na gawa ni Cherry Veric Samuya na isang modern futuristic Filipiniana gown na inspired sa Sto. Niño ng Aklan. Ang gown ay bagay kay Ladylyn na sopistikada at may strong na personalidad.

Si Ladylyn ay nagtapos ng kursong B.S. Nursing sa Kalibo, Aklan at isang Board passer. Naglingkod siya bilang isang Registered Nurse sa Aklan Mission Hospital sa loob ng isang taon. Ang kanyang namayapang lola ang nagsilbing pinakamalaki at positibong impluwensiya sa kanya dahil ito ang tumayong ina sa kanyang paglaki.

Ang pinakamahalagang aral na kanyang natutuhan ay manatiling positibo lagi at puno ng pag-asa anuman ang mangyari. Dahil dito, iaalay niya sa kanyang lola ang tagumpay kapag nanalo siya sa Bb. Pilipinas 2014.

Maaga siyang nagkahilig sa modeling, kaya sumali at nanalo siya bilang Miss Casino Pilipino.  Hindi na baguhan sa Bb. Pilipinas pageant,  minsan na siyang sumali rito noong 2011at pinalad namang nakapasok sa semi-final round.

Minsan ay natanong na namin siya kung ano-ano ang kanyang mga adbokasiya sa buhay. Agad siyang nagsabi na ikinatuwa niya noong ma-involved siya sa Bb. Pilipinas advocacy ng pagbibigay ng kasiyahan sa mga mahihirap na mga bata sa Payatas at ang kanilang pag-entertain at pag-aaruga sa mga matatandang residente  ng Kanlungan ni Maria. Nangako siya na ipagpapatuloy ang mga ito at sasama sa higit na marami pang charities sa hinaharap.

Isang personal mission ni Ladylyn na bigyang inspirasyon ang kapwa niyang mga probinsiyana na may pangarap maging mga beauty pageant titlist. Simple lang ang kanyang payo, gawin ang 100% lagi.

Malayo na nga ang narating ng promding ito na handang-handa na sa pinakamalaking challenge sa kanyang buhay, ang korona ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant ngayong Marso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …