Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, nanliliit daw dahil sa sobrang galing ni Coco

ni  Reggee Bonoan

NATANONG si Kim Chiu sa grand presscon ng Ikaw Lamang noong Miyerkoles ng gabi kung paano siya humingi ng suporta sa fans.

Sabi ni Kim, “ako naman, every project ay hinihingi ko talaga ang suporta ng mga nagmamahal at sumusuporta sa akin at ito na ulit, humihingi ulit ako ng suporta sa mga KimXi, Kimerald at sa solo fans ko na suportahan nila ako tulad ng ibinigay nilang suporta sa buong journey ko rito sa showbiz.”

Natanong din kay Kim ang kumalat na litrato nila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson sa social media para sa pictorial ng bago nilang ineendosong produkto.

“Yearly naman, may picture kami. Hindi ko lang alam, taon-taon naman ganoon.

“Siguro ano lang, nabigla lang siguro. Hindi sila na-advice, baka ganoon.

“Parang kahit naman siguro ako, kapag nakakita ako ng picture nina Guy and Pip, ‘Ay, ang ganda, ang galing, ipo-post ko! Siguro nagulat sila.

“Photo shoot pa lang ‘yun, the next day, parang, ‘Anong nangyari? Bakit ang dami?’ Eh, taon-taon naman may ganito kami,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pang sabi ni Kim, “work is work. Trabaho, and we are very happy na pinagkakatiwalaan kami. Siguro, ano na rin, sa time na dumaan, siguro maturity itself, ‘yun na rin siguro.”

Samantala, aminado si Kim na may naramdaman siyang nerbiyos sa tambalan nila ng bago niyang leading man na si Coco Martin, “nervous ngayon kasi bagong pair up.

“Parang bago rin sa akin itong buong pangyayari ulit. Exciting naman siya. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tao.

“Sana suportahan siya ng mga taong sumusuporta sa akin. Nakaka-nerbiyos kasi magaling siya masyado. At saka parang nakakapangliit.

“Pero binibigyan ka naman ng advice na kung hindi maganda, eh, ‘di ulitin, gawin namin ulit,” kuwento ng dalaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …