Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, finalist sa MYX VJ Search 2014

ni  Nonie V. Nicasio

NATUTUWA si Marion Aunor sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa 12 finalists sa MYX VJ Search 2014.

Ayon sa singer/composer, sobra siyang grateful sa ibinigay na pagkakataon sa kanya para maipakita ang iba pang side ng kanyang personality.

“Very grateful po ako sa MYX na binigyan nila ako ng chance na i-pursue ang pagV-VJ. Excited po akong malaman kung ano ‘yung upcoming challenges dito.

“Sa ngayon, masaya po ako sa mga kasama ko na contestants. Everyone is very friendly,” kuwento sa amin ni Marion nang maka-chat ko recently.

Bakit mo naisipang maging VJ?

“Gusto ko pong maging VJ, kasi feeling ko mas maipapakita ko rin ‘yung kabilang side ng personality ko. Especially since most of my songs are sad, ha-ha-ha!” nakatawang saad niya.

“Noong bata rin po ako, my friend and I used to film ourselves with the old video came-ra with the tape and pretend to be MYX VJs, then act out the music videos. So masaya po talaga ako na baka magkatotoo na rin po ‘yung childhood dream ko.”

Ilang winners ang kukunin dito and kailan malalaman iyon?

“Kailangan daw po namin i-assume na isa lang ang makukuha na winner.  Sa April 8 po ‘yung announcement of the winners,” mensahe pa sa amin sa FB ng talented na anak ni Maribel Aunor.

Incidentally, nominated din si Marion sa MMA o MYX Music Awards, na isa sa inaabangan annual awards sa music industry. Nominado si Marion para sa Favorite New Artist category. Sa mga supporters at nagmamahal kay Marion, maaari siyang iboto sa pamamagitan ng pag log in sa www.mma.MYXph.com o pag-like sa official Facebook page ng MYX. Maaaring bumoto araw-araw sa 18  kategorya.

Kim Chiu, kabado at excited sa  pakikipagtrabaho kay Coco

MAY halong kabang nara-ramdaman si Kim Chiu sa pa-kikipagtambal niya kayCoco Martin sa TV series na Ikawa Lamang ng ABS CBN.

Bagong kombinasyon ang Coco-Kim tandem sa naturang serye na magsisimula na sa Lunes March 10. Kaya hindi maiiwasan na makaramdam ng ganito si Kim.

“Nervous, ngayon kasi bagong pair-up. Parang bago rin sa akin itong buong pangyayari ulit. Pero exciting naman siya.

“Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mga tao. Sana suportahan siya ng mga taong sumusuporta sa akin,” paha-yag ni Kim.

“Nakakanerbiyos, kasi magaling siya (Coco) masyado at saka parang nakapanliliit. Pero binibigyan ka naman ng advice na kung hindi maganda, e, di ulitin, gawin namin ulit.”

Bukod kina Coco at Kim, ang Ikaw Lamang ay tinatampukan din nina Julia Montes at Jake Cuenca. Ito ay isang period drama-action TV series na inilalarawan din bilang isang epic love story.

Panahong 1960’s at 1970’s ang makikita sa primetime drama series na ito na tinatampukan din nina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, at John Estrada.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Daria Ramirez, Ronnie Lazaro, Spanky Manikan, Meryll Soriano, at Les-ter Llansang.

Ito’y mula sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …