Tuesday , December 24 2024

Kailan ba talaga, Justice Morales?

MAHIGIT 200 araw na mula nang isampa ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman ang mga kaso laban sa mga sangkot sa P10-B pork barrel scam, wala pa rin nailalabas na resolusyon si Ombudsman Conchita Carpio-Morales para pormal nang kasuhan sa Sandiganbayan ang mga nagsabwatan sa paglulustay sa kaban ng bayan.

Hanggang ngayon, bangayan pa rin sa media ang inaatupag ng gobyerno at mga akusado na para bang ang opinyon ng publiko ang hahatol sa mga akusadong mambabatas.

Naipamalas na sa One Million March sa Luneta noong Agosto 2013 ang galit ng mga Filipino sa P10-B pork barrel scam, kaya nga napilitan ang Palasyo na buwagin ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) at ideklarang illegal ng Supreme Court.

Pero batid ng mga nagmartsa sa Luneta na hindi pa tapos ang laban kontra-pork barrel, wala pa ni isang sangkot sa pagwawaldas ng PDAF ang napaparusahan hanggang ngayon sa kabila ng santambak na ebidensiyang nakalap laban sa mga akusado.

Naalala tuloy natin ang babala ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno noong 2009, na ang ating bansa ay mistulang isang bulkan na tila handa nang sumabog dahil sa mga nagaganap na katiwalian sa gobyerno, bangayan ng mga opisyal at hindi paggalang sa umiiral na batas.

Ang binanggit niyang mga salik sa pagsabog ng ‘social volcano’ ay umiiral pa rin sa ating bansa, at mahirap nang iwasan ang pagputok nito lalo na’t kapansin-pansin ang usad-pagong na imbestigasyon ng Ombudsman sa P10-B pork barrel scam.

Kung naipakulong nga ng administrasyong Aquino si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, wala tayong maisip na dahilan kung bakit hindi nila magawa sa mga mambabatas na dating mga kakosa ni PNoy sa Senado.

SEN. NANCY BINAY, NAGKALAT

MAS mabuti sana kung ibinigay na lang ni Sen. Nancy Binay ang pribelehiyo niyang magtanong sa resource person sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa mga kasamahan niyang senador kaysa tumingkad ang kanyang pagiging “NGANGA.”

Nabuko tuloy ng madla na naturingan pa namang abogado ay hindi tinuturuan ni Vice President Jejomar Binay ang kanyang anak kahit mga simpleng terminong ginagamit sa batas.

Nagtangka si Sen. Nancy na gisahin si Justice Secretary Leila de Lima tungkol sa pagpunta ni Ruby Tuason sa Amerika noong nakaraang Marso 2, pero sa halip na nakapagpakitang gilas ay nabulgar ang kanyang pagka-engot.

Sen. Nancy Binay: “Si Ruby Tuason ay accused.”

Sec. Leila De Lima: “Respondent po tawag do’n, Madam Senator.”

Sen Nancy Binay: “Ah, ok! How come Mrs. Ruby Tuazon was able to go to the US, hindi ba siya kasama sa watchlist?”

Sec Leila M. de Lima: “Hindi po watchlist tawag du’n. That is a lookout bulletin order.”

Hanggang ngayon siguro ay dinaramdan pa rin ni Sen. Nancy ang pagharang sa kanyang ina na si Dra. Elenita Binay noong Marso 2013 sa NAIA para magpunta sa inaugural mass ni Pope Francis.

Para sa kaalaman ni Sen. Nancy, kaya pansamantalang pinigil na makaalis noon ang kanyang ina ay dahil may “existing and active hold-departure order (HDO)” ang Sandiganbayan 5th Division kaugnay sa Criminal Case No. SB-06-CRM-0469 entitled “People of the Philippines versus Elenita S. Binay et al.”

Ibig sabihin, si Dra. Elenita ay nagtangkang lumabas noon ng bansa nang walang pahintulot ng Sandiganbayan na naglilitis sa kinakaharap niyang kasong plunder.

Kaya magkaiba ang sitwasyon ni Dra. Elenita kay Tuason na wala pang kaso sa hukuman kaya hindi puwedeng pigilan ng awtoridad ang kanyang pagbibiyahe sa labas ng bansa, alam kaya ito ni Sen. Nancy?

Napakakawawang bansa kung ganito na lang ang klase ng mga mambabatas mayroon tayo, hahaha!

‘FEARLESS VIEWS,’ HEARTLESS BOSS ANG MGA PRIETO NG PDI?

IPINANGANGALANDAKAN ng Philippine Daily Inquirer ang “fearless views” na inilalathala ng kanilang pahayagan na pagmamay-ari ng pamilya Prieto.

Pero alam kaya ng mga suki ng PDI na ang mga manggagawa sa pabrika ng mga Prieto na PrintTown/Inquirer sa Mamplasan, Biñan, Laguna ay biktima ng illegal dismissal at contractualization?

Ayon kay Mario Maldonado, leader ng Nagkakaisang Manggagawa, karamihan sa mga obrero sa nasabing factory ay kumikita ng mababa sa P125 kada araw para sa mahigit 8 oras na pagtatrabaho.

Kaya hindi na tayo nagtaka kung noong 2008 ay napabilang si Marixi Rufino Prieto bilang Forbes’ magazine #40 richest Filipina na may yamang $30 milyon.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *