Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Goma, Greta, at Lloydie sa Star Cinema, tuloy pa rin!

ni  Reggee Bonoan

ITINANGGI ng  taga-Star Cinema na hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Richard Gomez, Gretchen Barretto, at John Lloyd Cruz dahil may problema raw sa script.

Ito kasi ang ibinigay na dahilan ni Goma nang makausap siya na stalled na ang movie project, “yung sa ABS, na-stall ‘yung movie project namin ni Gretchen. Marami pa silang inaayos sa script. ‘Yung project with Gretchen, nire-refine lang ‘yung script.”

Matatandaang si Dawn Zulueta dapat ang kasama ni Goma sa pelikula, pero hindi pumuwede ang aktres sa personal nitong dahilan.

Bukod dito ay hindi rin natuloy ang TV project nina Richard at Dawn na You’re My Home dahil nagka-aberya rin sa script.

At dahil dito ay tinanggap ng aktor ang Madame Chairman ni Sharon Cuneta sa TV5 bilang leading man na magtutuloy-tuloy sa Pirated Family kapalit ng nasabing programa.

Samantalang si Dawn naman ay nasa Dyesebel bilang nanay na tunay ni Anne Curtis.

Per project ang kontrata ng aktor sa ABS-CBN kaya malaya itong gumawa ng project sa ibang network maliban sa pelikula.

Say naman ng taga-Star Cinema sa amin, “tuloy po ang movie, may inaayos po sa script at saka may stitches pa si John Lloyd (dahil sa aksidente sa bike) at may court case naman po si direk Chito (Rono) na kailangang tapusin at si Greta ay nasa London pa.”

Ang direktor nilang si Chito Ronobang isa sa punong abala sa kaso ng alagang si Vhong Navarro at direktor naman ng pelikula nina Goma, Greta, at Lloydie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …