Sunday , November 24 2024

Aktres tumangging nakipag-sex kay dating US Pres. Clinton

KASUNOD ng mga report na nagkaroon siya ng relasyon kay dating US President Bill Clinton na tumagal ng halos ‘isang taon’, mariing itinanggi ng British actress na si Elizabeth Hurley na nagkaroon sila ng seksuwal na ugnayan.

Binatikos ng aktres sa Twitter ang nasa-bing mga report sa RadarOnline, na nagpahiwatig na ‘inilipad’ siya sa White House para makasama si Clinton habang pangulo pa ito—at habang ang asawa ng dating pangulo ay nasa kabilang silid lamang.

Isinulat ni Hurley: “Ludicrously silly stories about me & Bill Clinton. Totally untrue. In the hands of my lawyers. Yawn.”

Ayon sa US website, mayroon itong recor-ding ng ex-bopyfriend ng aktres na si Tom Sizemore, na naglalarawan kung paano niya ginawa ang paraan para magtagpo ang dalawa makaraang hiningi ni Clinton ang phone number ni Hurley.

Sa nasabing recor-ding, isinalaysay din ng Hollywood actor sakanyang mga kaibigan na minsang pinadala ng dating presidente ang private jet para sunduin ang aktres saka ikinama habang naroroon lamang si Hillary Clinton sa kabilang kuwarto.

Idinagdag pa ni Sizemore na nagsimula ang sinasabing ‘affair’ matapos nagkita sila ni Clinton sa private screening ng Saving Private Ryan doon sa White House.

Sinabi pa nito na pinatawag siya ng US President sa gitna ng event at hiniling ang numero ni Hurley.

Nang mag-atubili umano siyang ibigay ang numero, nainis daw si Clinton at sina-bing: “Give it to me. You dumb m**********r, I’m the Commander-in-Chief of the United States of America. The buck stops here. Give me the damn number.”

Hiniling din umano ng presidente na isikreto ang pangyayari at sa halip ay sabihing ang itinanong ni Clinton ay tungkol sa kanyang tiyuhing Ted Sizemore, na naglaro ng professional baseball.

Isinalaysay pa ni Sizemore ang sinabi ng US President kay Hurley: “Listen Elizabeth, this is the President! I don’t have any time for this ****. I’m keeping the world from nuclear war all the time. I’m sending a plane to pick you up.”

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *