Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asan ba ako sa ‘yo? Aasa ba ako sa ‘yo? (Nahihilo… Nalilito…)

00 try me francine prieto

Hi Francine,

I’ve been dating this guy for almost 5 years na. We took a break but meron pa kaming communication and nagkikita pa rin kami. Lagi kasi nag-aaway and lagi ako nagseselos. Last February 13 I was with him the whole night but the next day, Valentine’s Day he was with ano-ther girl and sila na ngayon. Sobrang sakit kasi sobrang mahal na mahal ko siya. I want him back so badly! But he looks like he’s happy with her right now. ‘Yung girl na ini-replace niya sa akin is an 18-year old and still in high school. Mag-23 na siya this month ako naman 22. Bakit gano’n ang bilis niyang magpalit? Do you think he still loves me? I’ve been so depressed and stressed about it. I can’t eat and sleep. Also I’ve lost 6lbs … I need help.

TINA

 

Dear Tina,

Unang-una, klaro ba sa inyong dalawa kung ano kayo? Sabi mo kasi dating for 5 years, iba ang “dating” sa “in a relationship.” Iba rin ang “dating” sa “exclusively dating.” Kailangan kasi klaro sa inyong dalawa kung ano kayo para walang disappointments, frustrations at higit sa lahat heartaches dahil dala ng expectations.

Maaaring para sa iyo may mutual understanding na kayo o higit pa pero para sa lalaki hindi ganun, baka nga tingin mo “dating” kayo pero para sa kanya friends lang kayo kahit na may nangyayari pa sa inyo.

Kaya ka madalas nagseselos dahil nga hindi ka secured kaya napapraning ka. At ang masaklap hindi ikaw ang kasama no’ng mismong araw ng mga puso, sabi nga nila ‘yung mga ilegal daw either pre-valentine o post-valentine.

Sige iiyak mo lang ‘yan at tanggapin mo na nagkamali ka. Next time, kung maki-kipag-date ka man ingatan mo ang sarili mo lalong-lalo na ang heart mo, huwag mong ibubuhos ang lahat tapos mag-e-expect ka, hindi naman pala kayo parehas ng pagtingin. Walang masamang magtanong para alam mo rin kung saan ka lulugar, bago ka mag-invest ng oras at feelings. Experience is the best teacher. Learn from your mistakes. Good Luck dear!

                Love,

                Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang su-sundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …